Hiro Nakamura

Mahirap talaga ang walang trabaho. Nakakayamot. Nakakabagot. Nakakainis. Minsan di ko maiwasan sisihin ang sarili ko sa mga maling desisyon ko sa buhay. Maling mali talaga. Pero kung hindi ko naman ginawa, mabubuhay naman ako sa mga what ifs na kaekekan. Sana ako na lang si Hiro, kayang bumalik sa nakaraan. Para madaling itama yung mga pagkakamaling nagawa ko. Para isang pikit ko lang, kaya kong bumalik, batukan ang sarili ko at sabihing, “Tanga! Wag kang magreresign. Akala mo ba madaling humanap ng trabaho? Magsisisi ka dahil 3 months from now uuwi kang bigo, luhaan at walang kapera pera. Wala ka na ring pang starbucks. Wala na ring planner.Gusto mo ba yun? Ha? Ha?”

Oo na nga eh. Mali na kung mali.. Sa tingin mo ba hindi ko alam yun? Tapos na eh. Nagawa ko na. Move on na dapat. Pero bakit ganun? Ang hirap ibalik yung dati. Parang ang daming nagbago. Wtf?? 3 months lang naman akong nawala. Pero pakiramdam ko 3 years na yung lumipas. Well at least I tried. Di man natupad yung mga plano ko ngayon, hindi ibig sabihin na hindi na mangyayari. Tama naman di ba? Heto na naman ako, hinahanapan ko na naman ng tamang rason yung mga maling desisyon ko sa buhay.

Siguro nga totoo yung “you are who you are, not what you do”. Minsan ibinabase natin ang ating pagkatao sa kung ano ang ginagawa natin sa ating mga buhay. Sa kung anong estado, kung anong narating, anong natapos, anong meron, anong wala. Sa mga tama at maling desisyon sa buhay. Minsan mas madaling matandaan yung mga “maling desisyon” na sa tingin ng iba ay nagawa mo. Ang hirap kalimutan yung kahihiyan at mga disappointments na dala ng mga desisyong yun.

Pero ngayon, iniisip ko na lang, walang tama at maling desisyon. Lahat to nakatulong sa kung ano man ako ngayon. Sabi nga ni KC, I’m not perfect. Yung mga “maling” desisyon ko, experience na matatawag. Para next time, alam ko na. Wala ng sisihan. Tama na ang mukmok. Past is past.

1 comment so far

  1. Restyboi on

    Hello po. Ako din po feeling ko nagkakaanxiety attack na din ako. Nagstart ito nong sumakit ulo ko. Sinugod ako sa ER. Binigyan ako ng pain medication at para sa parang nasusuka. After non kng anu ano na naisip ko. Baka may brain tumor ako, anuerysm, etc.. Pina MRI ako ng doctor to check kng ano cause. Thank God normal ang MRI. Tapos nagpa optha,ent,internal med, cardio, pulmo.. Everything is normal sa mga check up nila. Ngayo medyo nawala na sakit ng ulo ko pero ang bigat bigat pa din ng ulo ko. Parang may nakapatong sa taas at parang may rubber band sa noo ko papuntang likod ng ulo. Sa gabi pag 12midnighr na hindi pa ako natutulog natatakot na ako at dahil siguro sa takot nahihilo ako. Minsan nangyari din sa ako sa bus punuan siya at may mga nakatayo sa gitna. Ayon kinabahan ako na di ko malaman gagawin ko at biglang nahilo. 4 months ko na tong nararamdaman at sobrang bigat ng ulo ko pero nilalabanan ko kaya nakakawork pa din ako. Can anyone help me with this? Sino pong doctor na makaadrress ng concern ko? Please recommend po kayo ng magaling na doctor. I want my normal life back.. Please help. Ito po number ko 09173083390. Maraming salamat po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: