Where are you christmas?

Akalain mo Pasko na naman.

Parang hindi.

Masama ba kung hindi ko maramdaman ang Pasko ngayong taon?

At ano nga ba ang diwa ng Pasko?

Ibang klase raw tayong mga Pinoy kung mag-celebrate ng Pasko. Kinakarir kumbaga. September pa lang umpisa na ng Christmas countdown. Nagsisimula na rin umihip ang malamig na hangin. Pero mejo lang naman. Walang global warming global warming sa mga Pinoy basta Pasko.

Maririnig mo na rin sa radyo yung mga kantang pamasko. Lahat ng tao napapakanta na ng Jingle Bells. Feel na feel mo na rin ang Christmas spirit dahil pabonggahan na ng Christmas station i.d ang Kapamilya at Kanguso. Sorry solid kapamilya ako eh.

Naalala ko pagkatapos na pagkatapos ng Araw ng mga Patay, ilalabas na ng nanay ko yung Christmas tree para itayo. Bibili na yun ng mga bagong dekorasyon, mga bagong christmas light at mga parol. Hindi yun papatalo sa mga kapitbahay namin. Nanay ko pa! Kung pwede nga lang maglalagay din siya ng snowman at snow angels sa harap ng bahay namin. Pangarap niya kasi ang snow at mag celebrate ng white Christmas.

Umpisa na rin syempre ng gabi-gabing pambubulahaw pangangaroling ng mga bata. At ng simbang gabi. At ng puto bumbong. Last year muntikan ko ng mabuo yung simba. Namiss ko kasi yung unang gabi. Panahon na rin ng mga Christmas party. Last year ilang tshirt din ang natanggap ko. Pero ilan lang yung nagkasya sakin. Laki kasi ng tiyan. May bag din tsaka pabango pala. Masaya yung party sa hospital kasi overflowing yung food at beer. Ayos yun.

Tapos Noche Buena na. Bigayan ulit ng mga regalo. Tapos tapos Bagong Taon naman. Konting pahinga lang handaan na naman.

Ibang klase talaga ang Pasko sa Pinas. Mas masaya. Damang dama.

Pero ngayong taon walang Christmas tree sa bahay. Walang parol o Christmas light. Marahil sa dami ng problemang dumating sa pamilya ko ngayong taon kaya walang nangahas na itayo ito. Sa totoo lang, malungkot dito sa bahay. Wala yung dating siglang nakasanayan kong maramdaman tuwing Pasko.

Wala yung Christmas spirit.

Napatingin ako sa may kapitbahay namin at sa nakasabit niyang parol. Lecheng spirit yan. Di bale na kung hindi ko siya maramdaman. Sa totoo naman, wala sa parol o Christmas tree yung tunay na diwa ng Pasko. Nasa puso yan. Ang mahalaga buo pa rin kaming pamilya. Magpapasalamat na lang ako sa lahat ng dapat kong ipagpasalamat. At humiling na sana sa darating na taon, may magandang bukas na naghihintay.

3 comments so far

  1. Jd on

    Hi kapamilya! hehehe.. Buti nalang kapamilya din ako at hindi “kanguso” wahahaha!!!!

    oo nga po, kahit sa amin, sobrang daming dumating nitong year 2007 na di masyadong maganda…

    sa kalendaryo ilang araw nalang, pero sa paligid parang wala lang…

    Nakakalungkot nga pong isipin, dati NOV pa lang may mga regalo nang naghihintay… nag-aaway-away ang mga nakababata kong kapatid dahil sinisilip nila ang laman ng bawat kahong nakapangalan sa kanila… kakaiba talaga ang taon na ito.

    pero sa kabila po ng lahat, tama kayo, masmaganda talagang isipin at ipagpasalamat na at least buo pa din kami at kahit ba dinumog kami ng pagsubok sa taong ito, we dreamed, believed and survived… (waaa! kanguso!)
    ehhehe…

    marko: isa ka rin palang kapamilya. apir!

  2. Orn on

    Ang pasko samin kumakain lang kami ng masasarap na luto ok na. Abnormal ata kami

  3. Laser Marking Devices : on

    our christmas lights this 2010 would be made up from light emitting diodes which does not generates so much heat;;-


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: